Saturday, February 20, 2010

DONG!

Galing ako sa Pampanga dahil sa sumakabilang-buhay na nga ang aking isa sa mga pinakamamahal na pinsang si Joy. Pumunta ako sa Maynila ng gabi dahil ito na lang ang oras upang makaalis papuntang Pampanga. Ngunit di kami nakaabot sa bus. Naghintay na lang kami ulit hanggang mag alas-4 ng umaga. Habang naghihintay, nag-dota muna kami para malibang-libang naman. Syempre ano ang kinalabasan? Panalo.

Alas-3 ng umaga natulog ako at nagising makalipas ang isang oras. Hinatid kami ng tito "TEK?" ko patungo sa RG express na sakayan ng bus. Syempre nalibre kami ng pamasahe. Nakatulog ako sa bus at pinagbantay ko yung barkada ko kung nasa Arayat na kami. Ayun nagising ako at di niya alam kung nasaan na kami. Buti na lang at di kami lumagpas at nawala. Nakarating kami sa Arayat at binaba kami ng bus sa sakayan ng tricycle. Nagtanong kami kung saan ang papuntang bayan at take note: HAPIT ANG MGA TRICYCLE DRIVER SA ARAYAT, PAMPANGA!

Sa halagang bente pesos (P20.00), sinakay kami patungo sa bayan na de-lakad lang pala! Malas. Sayang ang bente. Pang-one hour din un. Tinawagan ako ng tatay ko at sinabing hintayin na lang namin ang aking tita Josie (Tita ko, Pinsan ng tatay ko)kasama si kuya Jay (Panganay na kuya ni Joy). At ganun nga ang ginawa namin. Nakarating sila at mamamalengke pa sila tita at kami naman nila kuya ay naghanap ng mapag-priprintan ng picture ni Joy pagkat naiwan sa bahay nila sa Madapdap ang mga picture niya. At anung nangyari? Nag-dota kami.

Pag-balik namin sa meeting place namin nila tita Josie, wala na ang sundo namin kaya't napilitan kaming sumakay na langng tricycle sa halagang 25 pesos isang tao at may total na 75 pesos dahil tatlo kami. Pagpunta namin sa Candating, wala pa sila tita Josie. Siyempre ako, magpupudpod ng noo. MANO ika nga ng iba. Pag-uwi nila tita Josie, ayuun! nagsermon sa amin. Hehe!

Tapos naabutan ko doon sila Jing (kapatid ni Joy, Nag-alaga sa kanya nung siya'y nabubuhay pa), ate Nigel (Asawa ni Kuya Jay), Kylie (inaanak ko, anak nila Ate Nigel at ni Kuya Jay), Kuya Jeff (Kapatid ni Jing, Kuya Jay at Joy), Jaja (Kapatid nila Kuya Jay, Jeff, Jing at Joy, Bunso sa magkakapatid), Tatay ko (Kalbo!), Lola Goreng ( Ang pinakamasarap magluto), Tito Alvin (Ang maton kong Tito!), at kung sinu-sino pa! AY! I-mention ko na din si Cherish (...).

Ayun, nagpudpod ng noo sa mga Lolo't lola and tito't tita. Kinahapunan, Umalis kami ni Kuya Jay at ng barkada ko para magpaprint ng picture ni Joy. 2nd attempt!

To be continued...

-Sib's ...

Wednesday, February 3, 2010

Kulang ang baon ko...

Bwiset! kulang ang baon ko. Mula 100 pesos naging 70 pesos na lang.
Pang-pamasahe lang daw. Nahuli lang ng uwi eh. Buti sana kung sila yung nag-aaral.
Kawawang Sib!!

Sunday, January 10, 2010

Pasukan na naman.

Well,well,well! Pasukan na naman mga madlang people! Heto ako at naghihintay sa kasama kong mag enroll para sa first trime ng second year ko. Dapat maka-24 units ako! Sabi kasi ng lovable lolo at lola ko eh dapat ganun ang units para di sayang ang oras. Oh di bah? LOVABLE sila? Concern sila sa itatagal ko sa college life ko.

Anyway, ibahin natin ang topic at may ikwekwento ako sa inyo. Ito ay yung tungkol sa makakasama ko mamaya sa school na papasukan ko. In fairness, ang tagal naman nya maligo. Sabi ko kasi 7 am kami magkikita sa school at heto ngayon at anong oras na? 8 am na at wala pa din. Naliligo pa daw. Kawawang Sib...

Patay ako nito mamaya sa aking lovable lola kasi timed ang oras ko sa labas. Oo. May oras ang aking paglabas. Parang lagi kasi nila akong inoorasan. Actually, tanggalin mo na ung "parang". Kung pwede lang mag-extend para makapag-enjoy ako sa labas. Di bale. Pasukan naman na at malapit yung school ko sa Sta. Lucia! May mall nga, wala namang panggastos! Hayzz talaga...

Try ko kaya mag-working student? Ano naman kayang trabaho? Sa ating mga pilipino kasi, pag sinabing "Working Student", fastfood restaurants agad ang nasa isip natin eh! Gaya ng Jollibee, Mcdonald's, KFC, Pizza Hut, Greenwich, teka! Nagugutom na ako nyan eh! Di pa kasi ako nag-aagahan sa pagmamadali at baka ma-late ako. Yun pala late ang magiging kasama ko! Double Hayzzz....

Balak ko sanang mag-call center agent kaya lang eh kapos ako sa English. Mahirap magsalita nito ng derederecho. Isipin mo, mag-iisip ka ng tagalog tapos itra-translate mo sa english and then ilalabas mo ang salitang na-translate mo sa iyong bibig. Ang haba ng process di ba? Talagang mahirap. Speaking of mahirap, wala namang madali sa buhay di ba? Kahit na pagtulog mahirap pa din. Ewan ko ba nung kabataan ko, lagi akong pinatutulog ng nanay ko. Nung lumaki na ako, kahit gusto kong matulog, di pwede at lagi pa akong ginigising. That's life. Life is like a rock. It is hard. Sa tagalog: Ang buhay ay matigas.

-Sib's waiting.

Friday, January 1, 2010

Bagong taon, Bagong Blog.

Happy New Year nga po pala sa lahat ng mga magiging readers ko dyan! Ito ang blogsite na kung saan ay tutulong sa lahat ng bagay. Siyempre madaming bago! Bagong pen-name, bagong buhay, bagong school, bagong pag-asa, bagong kaklase, bagong girlfriend?, bagong simula, bagong kwento, bagong blog. Ang pagsisikap na magtype dito ay wala talaga sa aking intensyon ngunit kelangan. Wag nyo na itanong. Basa na lang kayo. Sana'y maging maayos ang pagbabasa ninyo at hopefully, may matutunan kayo sa inyong binasa.


-Sib's doing nothing.